Mahigit isang taon nang gumaganap bilang counsellor ng puso si Jean Garcia sa Love Hotline.

Ayon sa actress-host ay never siyang napagod sa pakikinig at pagbibigay payo sa kanilang programa.
 
Pahayag ni Jean sa panayam ng GMANetwork.com, “Itong show na ito kaya sobra ko siyang love kasi hindi lang ako nakakatulong, natutulungan din ako. Ang dami kong natututunan din sa kanila. At saka doon mo makikita sa mga experiences, sa mga kuwento nila, iisipin mo ‘I’m so blessed pa rin’.”
 
“’Yun ‘yung gusto kong makita ng mga viewers din. ‘Pag nakikita nila ‘tong istorya ng mga taong ito, sasabihin nila na ‘Maswerte pa rin pala ako kasi may tatay ako, may nanay ako. Maswerte ako kasi magulang ako pero hindi ako namatayan ng anak,’ alam mo ‘yun. ‘Maswerte ako kasi may asawa ako na kahit medyo pasaway ‘yung asawa ko pero hindi naman ako binubugbog’, patuloyg niyang paliwanag.
 
Ani Jean, layunin ng Love Hotline na makatulong sa iba.
 
“Hindi lang siya masayang panoorin, or hindi ka lang parang nakikitsismis ng story ng buhay ng may buhay, kundi nakakapulot ka ng aral, na maski ako mismo natututo ako sa mga experiences ng mga guest namin,” sambit nito.
 
Thankful din ang host at The Half Sisters star dahil sa mataas na ratings ng programa.
 
Wika ni Jean, “Sa mga audience namin na sumusubaybay, nanonood, very thankful din kami. Sana lang magpatuloy kami ng Love Hotline para makapagpatuloy kami sa pagtulong sa ibang tao. Kasi ‘yun talaga ang goal namin eh.”
 
“Not to make a show or gawing successful ang Love Hotline but you know, maging successful siya, maraming manonood dahil alam naming nakakatulong kami at maraming natutunan ‘yung audience. ‘Yun ‘yung number one goal namin,” diin niya. — Cherry Sun, GMANetwork.com

News Source: GMA NEWS TV