Daily destination for Pinoys in Canada for Philippine News, Business, Events, Blogs, Technology updates and more…

Archive for the ‘Philippine Showbiz’ Category


Roderick Paulate on his work as councilor

Mar 10, 2012 Author: ajbatac | Filed under: GMA News TV, Philippine Showbiz

Mas kilala na si Roderick Paulate bilang dramatic actor ng mga kabataan ngayon dahil sa kanyang paglabas sa top-rating GMA-7 primetime series na Munting Heredera.

Tila nawala na nga raw ang pagkakakilala noon kay Kuya Dick—tawag din kay Roderick—bilang isang komedyante.

Lumabas ito sa comedy films tulad ng Kumander Gringa, Ako Si Kiko… Ako Si Kikay, Leroy… Leroy Sinta, Binibining Tsuperman, Jack En Poy, Petrang Kabayo at marami pang iba.

Napapanood na siya ng maraming kabataan ngayon bilang si Manny, ang mabait na titser na umampon sa munting heredera na si Jennifer, played by Mona Louise Rey.

“Yung pagiging komedyante ko, sa TV na lang nila napapanood. At paulit-ulit iyon, ha!” tawa pa ni Kuya Dick nang makausap namin siya sa charity event ng Munting Heredera cast sa The Child Haus noong January 15.

“Mostly yata sa Cinema One ‘pinalalabas ang mga ginawa kong comedies sa Regal Films at Seiko Films,” banggit niya.

“Sa totoo lang, natatawa pa rin sila. To think, hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa ko noon.

“Mabentang-mabenta pa rin sa kahit sinong makapanood.

“But I am glad na yung image natin bilang komedyante ay napalitan na rin.

“Before, talagang hindi ako makagawa ng serious films kasi nga pang-comedy lang daw ako.

“Hanggang sa napatunayan ko na may pagkakataon pa na makakagawa ako ng straight drama. At nangyari nga ‘yan sa Munting Heredera.”

THANKS, DIREK! Malaki ang pasasalamat ni Kuya Dick sa director nilang si Maryo J. delos Reyes, dahil noon pa man ay bilib na si Direk sa ipinapamalas niyang pag-arte.

“Kaya pinag-eksperimentuhan nga niya ako!” tawa ni Kuya Dick.

“Si Direk Maryo, tatay ko na ‘yan, e.

“Siya ang unang nagbigay sa akin ng acting nomination sa pelikulang ginawa ko na High School Circa ’65.

“Na-nominate ako as best supporting actor sa Gawad Urian in 1980.

“Then matagal din kaming hindi nagkatrabaho. Nagsama na lang kami ulit sa series na Rosalinda sa GMA-7.

“And eventually, heto at nadirek niya ako ulit sa Munting Heredera.

“Sabi nga ni Direk Maryo na hindi ako magpapatawa rito, kundi ilalabas ko ang pagiging dramatic actor ko. Papaiyakin namin ang televiewers.

“E, matagal din akong hindi nag-drama.

“The last two movies I did ay parehong comedy. Yung Ded Na Si Lolo at OMG! Oh My Girl.

“The last serious movie I did naman was Pa-Siyam noong 2004 pa.

“Kaya feeling ko pahirapan ito. But I trust Direk Maryo kaya naman nabuo namin ang character ni Manny sa show.”

HAPPY SET! Magtatapos na ang Munting Heredera sa unang linggo ng February. Kaya isa si Kuya Dick sa nalulungkot dahil maganda ang naging samahan nila sa naturang show.

“Sa lahat nga ng mga shows na nasamahan ko, ito ang sobrang solid sa samahan.

“We always look forward na mag-taping kasi magkikita-kita kami ulit.

“Kahit na nga packed-up na ang iba sa amin, ayaw pa ring umalis kasi nakikipagkuwentuhan pa sa iba.

“Kahit yung mga bata, ayaw pang magsiuwi. Nauuna kasi silang matapos sa amin. Nakikipaglaro pa sila sa amin sa set bago sila umuwi.

“Ganyan kami kasaya at nagmamahalan sa set ng Munting Heredera.

“Kaya you can just imagine ang lungkot noong sabihin nila na magpapaalam na kami.

“Sabi ko nga, walang iiyak sa last taping day namin.

“Gusto ko ay masaya lahat dahil hindi lang parati mataas ang ratings ng show kundi marami kaming naibahagi na magandang aral sa show.

“‘Tulad nga nitong ginawa namin for The Child Haus.

“Paraan namin ito to share the blessings na natanggap namin mula sa show at sa suporta na ‘binigay ng marami.

“Nagsama-sama kami para makatulong at pasayahin ang maraming batang ito, na pinalakas ang loob namin dahil sa nakita naming katapangan nila.

“Kaya babalik kami rito para pasayahin sila.”

COUNCILOR DICK! Wala pa daw sisimulan na bagong show si Kuya Dick kaya ang pagiging konsehal ng second District of Quezon City muna ang pagkakaabalahan niya.

“Marami tayong ‘hinahanda na mga proyekto para sa mga kabataan for this year.

“Ito namang trabaho natin sa gobyerno ay isa lang sa mga ninais nating gawin noon pa.

“Kaya noong mabigyan tayo ng pagkakataon, heto at pinagbubutihan natin.
“Ayoko namang masabi nila na wala tayong ginagawa.

“Kahit naman noong busy tayo sa Munting Heredera, hindi ko napapabayaan ang trabaho ko sa ating distrito,” pagtatapos niya. — Ruel Mendoza, PEP

News Source: GMA NEWS TV

  • Comments Off
  • May nararamdamang lungkot ngayon ang Movie Queen na si Ms. Gloria Romero dahil sa nalalapit na pagwawakas ng top-rating primetime series ng GMA-7, ang Munting Heredera.

    Sa first week ng February 2012 kasi ay magwawakas na ang naturang drama series na idinidirek ni Maryo J. de los Reyes.

    Nalulungkot si Tita Glo dahil napamahal na nang husto sa kanya ang show, lalo na ang buong cast na itinuring na niyang parte ng kanyang pamilya.

    Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Kung alam lang nila ang nararamdaman ko noong sabihin nilang magwawakas na kami.

    “Nakakalungkot, but at the same time ay happy kami, kasi nga mataas ang ratings ng aming series.

    “Nakakatuwang isipin na sinubaybayan kami nang sobrang tagal.

    “Halos mag-iisang taon na nga kami, di ba?

    “Still, hindi nila mabitawan ang magandang istorya ng Munting Heredera.”

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tita Glo sa charity event ng Munting Heredera sa The Child Haus noong January 15.

    JUST LIKE HER APOS. Mami-miss daw nang husto ng veteran actress ang mga bata na siyang naging mga bida ng Munting Heredera.

    Itinuring na raw kasi niyang parang mga tunay na apo sina Mona Louise Rey, Barbara Miguel, Kyle Ocampo, at Migs Cuaderno.

    Saad ni Tita Glo, “Alam n’yo naman na iisa lang ang apo ko, si Christopher [Gutierrez].

    “E, binatang-binata na at hindi ko na nalalambing madalas.

    “Itong mga bata sa set, tuwang-tuwa ako kasi sobrang malalambing.

    “Kapag breaktime nga namin, magkakasama kaming parati at kinukuwentuhan nila ako sa nangyayari sa araw nila.

    “Ako naman, kahit pagod, natutuwa sa mga kuwento ng mga bata.

    “Nabibigyan ako ng kakaibang lakas kapag sila na ang nagkukuwento sa akin.

    “Kaya I will truly miss these kids.

    “Pati na ang ibang cast na parang mga anak ko na rin, tulad nina Camille [Prats], Mark Anthony [Fernandez], Ynez [Veneracion], Gabby [Eigenmann], and the rest.

    “It was an honor working with them, at sana nga magkatrabaho ulit kami in the future,” ngiti pa ni Tita Glo.

    DOÑA ANA. Hindi malilimutan ni Tita Glo ang Munting Heredera dahil nabigyan siya ng mapaghamong papel bilang si Doña Anastacia Montereal.

    Hindi raw niya akalain na sa kanyang edad—she turned 78 years old last year—ay mabibigyan pa siya ng challenging role sa telebisyon.

    “Sinabi ko nga na habang kaya ko pang mag-memorize ng script, magtatrabaho pa rin ako sa TV at pelikula.

    “Mahal ko ang industriyang ito.

    “At hanggang kaya ko pa at wala pa akong Alzheimer’s Disease, I will still work and work.

    “The role of Anastacia is very special to me and it will be one of the most memorable characters na ginampanan ko.

    “Imagine, nawalan siya ng apo, may mga nagpanggap na apo niya, may kinidnap, ninakawan siya, nawalan siya ng yaman, naghirap, pero nakabangon siya muli.

    “Ibang klase, di ba?”

    Sabi pa niya, “I’d like to thank GMA-7 for giving me this wonderful role in Munting Heredera.

    “Marami kaming nai-share sa mga manonood kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.

    “Kami rin ay maraming natutunan sa ginawa naming ito.

    “And siyempre, to our director Maryo J. de los Reyes, who has always been such a good friend, a companion, an artist, and a great director sa aming lahat.

    “Siya ang nagsabi sa akin na kaya ko ito and I believed him.

    “And, of course, sa Panginoon na parati tayong ginagabayan araw-araw.

    “Thank you, God, for giving strength sa aking trabaho. And may He bless everyone sa aming show.”

    NEXT PROJECT. Pagkatapos ng Munting Heredera ay magpapahinga raw muna si Tita Glo.

    At kung may kasunod na project, sana raw ay hindi muna kasing bigat ng matatapos niyang show.

    “Naku, hindi biro ang mga ginawa namin sa show!

    “Three times a week ay nagda-drama kami. Umiiyak kaming lahat!

    “Nakaka-drain talaga physically.

    “Kaya mas gusto ko na hindi muna mabigat na project.

    “Gusto ko nga sana ay mag-comedy ulit ako tulad sa Andres de Saya.

    “Very light lang at magaan sa pakiramdam.

    “But it is all up to God kung ano ang tamang project for me,” sabi ng Movie Queen. — Ruel J. Mendoza, PEP

    News Source: GMA NEWS TV

  • Comments Off
  • Feeling blessed si Chynna Ortaleza na maging bahagi ng indie film na Migrante.

    Bukod sa ito ang unang ng pelikula niya kay Direk Joel Lamangan, nabigyan pa siya ng pagkakataong makarating sa bansang Israel.

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna noong Martes, January 17, ilang araw matapos niyang manggaling ng Holy Land para sa shooting ng Migrante.

    Ayon kay Chynna, “Ito ang first film ko with Direk Joel and my first indie with him.

    “Nakakagawa naman ako before ng indie, yung Hukay, pero hindi siya na-release.

    “Natapos din namin yung shoot and si Jodi [Sta. Maria] din ang kasama ko do’n.

    “Now naman, I’m very happy na napasama ako sa Migrante.”

    Banggit pa ng Kapuso actress, “Si Direk Joel, nagiging director ko siya sa mga soap ng GMA.

    “Kapag nagkakausap kami, tinatanong niya ako, kung gusto kong mag-indie.

    “Sabi ko naman, ‘Oo naman, Direk.’

    “So, siguro naisip din niya na maganda rin na pagpasok ng 2012, may ginagawa akong movie.”

    FIRST TIME IN ISRAEL. Hindi raw akalain ni Chynna na sa paggawa niya ng indie film ay makakarating siya sa Israel.

    “Natuwa talaga ako,” sambit niya.

    “Parang lahat naman ng tao, kasama sa bucket list nila ang makarating ng Holy Land.

    “Kaya noong sinabi sa akin ng handler ko, mag-i-indie nga raw ako, kasama raw ako sa Israel, wow!

    “Parang napakasuwerte ko naman na nakapunta ‘ko, na ang bata ko pa lang din.

    “Kaya sabi nga ni Direk over breakfast, ‘O, hayan, masasabi n’yo na nakapunta na kayo diyan.’”

    Noong first day nila sa Israel ay sa Jerusalem sila nag-shoot.

    Noong second day ay sa Sea of Galilee o Dead Sea.

    At noong third day ay sa Bethlehem.

    Kuwento pa ni Chynna, “Four days actually. Noong dumating kasi kami, gabi na.

    “Three days lang yung whole day of work namin.

    “Masaya ang team namin. Blessed ako na nakasama ako sa kanila.

    “Ako, si Allen [Dizon], si Jodi—ang tawag namin sa sarili namin, tatlong itlog!

    “Kasi, kami yung magkakasama palagi.”

    Kasama rin daw nila sina Luis Alandy at Jim Pebangco.

    Lima raw silang artista, pero 17 daw silang lahat na nagpunta ng Israel, kasama ang crew.

    PINOYS IN ISRAEL. Lahad pa ni Chynna, “Marami rin kaming na-meet na Israeli na naka-work namin.

    “They are very nice people naman.

    “Yung isang co-actor namin, si Ely. Nakakatuwa kasi mas marami pa yata siyang napuntahang lugar sa Pilipinas kesa sa akin.

    “Ang dami rin Pinoy sa Israel. Ang dami naming nakita, nakilalang mga OFW sa Israel.

    “Pero sabi ng nakausap namin, nag-aalaga raw siya ng matanda, caregiver siya, pero mabait naman daw ang inaalagaan nila.”

    Ang Migrante ay base sa kuwento ng isang OFW na nagtatrabaho sa Israel, na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria sa pelikula.

    Ang role naman ni Chynna ay miyembro ng grupong Migrante sa bansang yun.

    Paliwanag ni Chynna, “Ang Migrante kasi is an organization here in the Philippines that helps OFW in different countries na may OFW.

    “Siyempre, madalas na sa gobyerno natin, ang nailalabas magaganda.

    “Pero, hindi nakikita na araw-araw, nakaka-receive sila ng mga hindi magagandang kuwento.

    “Yung role ko, Luis and Jim, part kami ng Migrante.

    “Kumbaga, kami ang member ng Migrante sa Israel. At the same time, OFW rin.”

    WORKING WITH JODI. Second time na raw ni Chynna na makatrabaho si Jodi.
    Sabi pa niya tungkol sa kanyang co-star, “She’s very nice.

    “So, I had scenes with her before kaya medyo relax na ako.

    “Sana yung heavy scenes namin, ma-pull off namin nang maganda.

    “Sabi ko nga, ang mga indie films ni Direk Joel, nabibigyan niya ng award ang mga lead.

    “Yun ang prayer ko for Jodi, sana mabigyan din siya ng award dito sa Migrante, kasi magaling naman siyang talaga.”

    Ilan sa indie films na nagawa ni Direk Joel ay Sigwa (2010) at Patikul (2011).

    MORE INDIE FILMS FOR CHYNNA. Tinanong ng PEP si Chynna kung pagkatapos ba ng Migrante ay maengganyo pa siyang gumawa ng indie films.

    “Tingnan natin,” sagot niya.

    “Depende rin kasi sa material.

    “If I feel na kaya ko siya at may maitutulong ako.

    “Like here, ang maganda, nakasama ako sa isang film na may advocacy.

    “Ipinapakita ang hirap ng OFW at may mga ganitong organisasyon na puwedeng tumulong.”

    YOUNG CHERIE. Samantala, nagpapasalamat si Chynna dahil sa magandang feedback na natatanggap niya sa pagganap bilang batang Cherie Gil sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Legacy.

    “Ang alam ko, hanggang Thursday [January 19] kami mapapanood, ‘tapos papasok na ang present character.

    “I’m the young Cherie Gil as Eva.

    “Happy naman ako sa mga review na nare-receive ko.

    “Nagulat din kasi ako, like yung pilot, they are tweeting my lines.

    “Automatic na nagtu-tweet sila. They are saying they liked what I did.

    “It was nice. I feel good.

    “Kasi si Direk Jay Altarejos, very meticulous talaga siya sa mga scene.”

    Aminado si Chynna na may pressure sa kanya nang malaman na siya ang gaganap as the young Cherie sa Legacy.

    Mula pa kasi noon ay open na si Chynna kung gaano niya hinahangaan ang veteran actress.

    “Siyempre, hindi ko talaga alam ang reaction ng tao.

    “Kung ano ang magiging reaction ng tao, lalo na alam nila, I’m the young Cherie.

    “Napi-pressure ako since ang character ko is young Cherie Gil nga.

    “So, I was surprised people said I did a pretty good job,” sabi ni Chynna.

    NEXT PROJECT. Sa ngayon, hindi pa alam ni Chynna kung ano ang susunod niyang project sa GMA-7.

    Pero may guaranteed contract daw siya sa network for three years.

    Mas pinili nga ni Chynna na manatili sa Kapuso network kesa ang tanggapin ang offer mula sa ibang channel.

    Ayon kay Chynna, “Sabi naman ng handler ko, meron na raw [next project].

    “Pero ako kasi yung hangga’t walang sinasabi sa akin na ito na, doon pa lang ako.

    “Sa ngayon, ang focus ko muna Migrante, since up to first week of February pa ang shooting namin.

    “Hopefully, yung naging performance ko sa Legacy will create a mark for ETV [Entertainment TV].” — Rose Garcia, PEP

    News Source: GMA NEWS TV

  • Comments Off
  • Mark Wahlberg apologizes for 9/11 comments

    Mar 10, 2012 Author: ajbatac | Filed under: GMA News TV, Philippine Showbiz
    LOS ANGELES – Actor Mark Wahlberg apologized on Wednesday for saying events may have turned out differently had he been on one of the planes that crashed on 9/11, after incurring the wrath of critics and one victim’s widow.

    “If I was on that plane with my kids, it wouldn’t have went down like it did. There would have been a lot of blood in that first-class cabin and then me saying, ‘OK, we’re going to land somewhere safely, don’t worry,’” the actor said in an interview with Men’s Journal magazine that was released one day earlier.

    “The Fighter” star, 44, was scheduled to be on one of the planes that crashed into the World Trade Center on September 11, 2011 and made the comments in that context, but after media outlets reported that a widow of one 9/11 victim called his comments “disrespectful,” the actor issued a formal apology.

    “To speculate about such a situation is ridiculous to begin with, and to suggest I would have done anything differently than the passengers on that plane was irresponsible. I deeply apologize to the families of the victims that my answer came off as insensitive, it was certainly not my intention,” Wahlberg said in a statement.

    The Oscar-nominated actor, who started his career in music as rapper Marky Mark, transitioned into film and is currently promoting “Contraband,” a high-octane action movie in which he plays a former smuggler forced to protect his brother-in-law. – Reuters

    News Source: GMA NEWS TV

  • Comments Off
  • Hindi nakapasok ang entry ng Pilipinas na Ang Babae Sa Septic Tank sa siyam na pelikulang nakapasok sa short list na maglalaban-laban sa Best Foreign Language category sa Oscar Awards.

    Sa press statement na nakalagay sa website ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, inilabas ang siyam na dayuhang pelikula na nakapasok sa short list ng Best Foreign Language film para sa idaraos na 84th Academy Awards ngayong taon.

    Umabot sa 63 ang lahat ng pelikulang inilahok sa naturang kategorya mula sa ibat-ibang bansa, kabilang ang Ang Babae Sa Septic Tank, na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

    Ang pagganap ni Eugene sa Ang Babae Sa Septic Tank, ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon para maging nominado sa Best Actress category sa 6th Asian Film Awards.

    Nominado rin sa Asian Film Awards para sa Best Screenwriter category si Chris Martinez, ang sumulat ng nabanggit na pelikula ni Eugene.

    Samantala, sinabi sa pahayag ng Academy Awards, na pinili ang mga pelikulang kalahok sa Best Foreign Language sa dalawang bahagi. Una, ang pagbuo ng komite na binubuo ng mga Los Angeles-based members, na sumala sa 63 pelikula noong Oktubre 2011 hanggang Enero 13, 2012.

    Pagkaraan nito, ang napiling anim na pelikula ay sinamahan ng tatlo pang pelikula na napili naman ng Academy’s Foreign Language Film Award Executive Committee, ayon sa pahayag.

    Mula sa siyam ay ibaba pa ang mga ito sa lima na pagpipilian ng specially invited committees sa New York at Los Angeles.

    Ihahayag ang mga nominado sa 84th Academy Awards sa January 24. – FRJ, GMA News

    News Source: GMA NEWS TV

  • Comments Off
  • Twitter Updates

    Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.