Daily destination for Pinoys in Canada for Philippine News, Business, Events, Blogs, Technology updates and more…

Archive for the ‘Philippine Showbiz’ Category


Bukod sa napawalang-bisa na ang kasal nila ni James Yap, mananatili rin kay Kris Aquino ang konstudiya ng kanilang anak na si Bimby o Baby James.

Sa GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado, iniulat na kasama sa desisyon ng Makati RTC sa pag-apruba ng annulment, ang pagkakaloob ng karapatan kay James na mabisita ang kanyang anak.

Sa hiwalay na ulat ng Chika Minute ng 24 Oras nitong Biyernes ng gabi, sinabing may karapatan si Bimby na mamili kung kanino niya gustong sumama kapag nasa tamang edad na ito.

Ayon kay Atty Lino Kapunan, abogado ni James Yap, walang itinakda ang korte sa schedule ng pagbisita ng kanyang kliyente sa anak dahil maaari naman daw itong pag-usapan mismo ng dating mag-asawa.

Aminado si Kapunan na naging mabilis ang pagproseso sa annulment case na inihain ni Kris noong 2010. Pinapaniwalaan ng abogado na ang maayos na pag-uusap sa paghahati ng mga ari-arian ang dahilan kaya mabilis na nakapagpasya ang korte.

Bagaman noong pang Enero 9, 2012 lumabas ang desisyon sa pagpapawalang bisa sa limang taong kasal nina Kris at James, nito lamang Biyernes nagtapos ang prescription period para maghain ng apela ang alinman sa magkabilang partido.

At dahil wala nang naghain ng apela sa naging desisyon ng korte, pormal na itong magiging epektibo.

Nitong Biyernes ay lumipad si Kris patungong Hong Kong para magbakasyon kasama ang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.

Tulad ng dati, hindi gumamit ng VIP lane ang mag-iina at pumila kagaya ng karaniwang pasahero.

Sinabi naman ng TV host na si Boy Abunda na okey lang ang kanyang kaibigan na si Kris matapos mapagtibay ang annulment nito kay James.

Sakabila nito, hindi naman daw nagdiriwang si Kris na nagtungo sa Hong Kong.

“She’s okey… yun lang ang sinabi ni Kris na ‘pag na-a-annul ang mag-asawa parang its not actually an event in a couples life that cause for celebration,” ayon kay Abunda.

Ang kawalan ng katungkulan ng nagkasal kina Kris at James ang sinabing ginamit na batayan ng korte para pawalang bisa ang kasal ng dalawa.

Matatandaan na inabot muna ng ilang buwan bago inamin sa publiko nina Kris at James na kasal na sila. Magdiriwang ng kanyang ika-41 taong kaarawan si Kris sa Pebrero 14, na 11-taon ang tanda niya kay James.

Bago ang paghahain ni Kris ng annulment case, ilang ulit na naging laman ng balita ang dating mag-asawa bunga ng mga babae na nauugnay kay James.  – FRJimenez, GMA News

News Source: GMA NEWS TV

Isa sa main cast si Luis Alandy ng bagong serye ng GMA-7, ang Broken Vow.

Si Luis ang tila lumalabas na tutulong at magmamahal sa karakter na ginagampanan ni Bianca King.

Unang ipinakita sa trailer si Luis na tumulong kay Bianca nang tumalon ang huli sa ilog para magpakamatay.

Pero sa kabila no’n, tila may pagka-dark din ang karakter ni Luis sa serye.

Kaya ang una naming tanong kay Luis nang makausap namin ito sa press conference ng Broken Vow noong Lunes, January 30, ay kung mabait o kontrabida ba siya sa bagong serye? Siya ba ang savior ni Bianca o siya ang nagsamantala rito?

“Alam niyo, yun ang kinagandahan ng show na ito. Hindi kami stereotyped na bida o kontrabida; lahat kami may role na ginagampanan.

“Kailangan makita ng viewers yung connection ng mga characters,” ang sabi ni Luis.

Base sa trailer, may impression na tila si Luis ang talagang nang-rape kay Bianca…

“Siguro abangan na lang nila.

“Naririnig ko palaging sinasabi yun kapag may nag-i-interview na abangan na lang nila,” natatawang sabi pa niya.

Dahil sa nangyaring rape sa karakter ni Bianca, hindi na matutuloy ang nakatakda nilang kasal ng leading man sa soap na si Gabby.

Tanong muli kay Luis kung siya ang rapist…

“Sinabi ko nga, Si Dennis [Trillo] siguro,” pagbibiro pa niya, dahil si Dennis ang nali-link na diumano’y boyfriend ni Bianca sa tunay na buhay.

Bukod sa bago niyang teleserye na Broken Vow, tinatapos din ni Luis ang shooting niya sa Migrante, isang indie film, sa direksyon ni Joel Lamangan.

TRIP TO ISRAEL. May pagmamalaki sa kuwento ni Luis kung paano, sa pamamagitan nga raw ng Migrante ay nakarating siya sa Israel o mas kilala sa tawag na Holy Land.

Ayon nga kay Luis, “Yung makalakad ka sa nilakaran ni Hesus.

“Actually, hindi naman ako naiyak or umiyak nang umiyak. Pero, naluha talaga ako nang mahawakan ko yung place kunsaan, ipinako sa cross.”

Ilan daw sa mga lugar sa Israel na nakapag-shooting sila ay sa Bethlehem, Mount of Olives, Tel Aviv, Dead Sea, at Sea of Galilee.

“Alam niyo, tamang-tama ang punta namin do’n. Hindi ko alam kung dahil sobrang lamig lang ng time na yun, pero, sinasabi nila na ang pila [sa isang luga ro'n], mga two hours bago makarating.

“Pero noong nandoon kami, walang pila. Kaya tuwang-tuwa si Direk Joel.

“E, siyempre, nagpi-film kami ng movie, nagmamadali ang lahat. Wala kaming time na pumila, kahit 30 minutes man lang.”

Four days lang daw sila sa Israel. Mahaba raw kasi ang biyahe mula sa Pilipinas papuntang Israel.

“Parang 19 hours kang nagbibiyahe. Ang mahirap pa no’n, four degrees [Celsius] yata ang temperature, windy pa.

“Ang hirap magsalita. Alam namin na malamig, may dala kaming mga jackets. Pero, iba ang malamig at iba yung humahangin.”

CONTRACT. Sa isang banda, nag-expire na raw ang pinirmahang kontrata ni Luis sa Kapuso network noong September 2011 pa.

Hindi na raw bahagi ng kontrata ni Luis ang Broken Vow.

Pero maging ang huling teleserye pala niya, ang Iglot, ay hindi na rin daw kasama sa kontrata.

Ayon nga kay Luis, “I love it here [GMA]. They’ve been very good to me.

“Ever since they gave me a chance, 2007 pa yata, sa Impostora.

“Siyempre, noong time na yun, I came from ABS-CBN.

“Siyempre, rito, noong dumating ako galing ng ABS, ayoko namang mag-feeling na sikat ako.

“Pero, as much as possible, umiiwas na ako sa mga intriga-intriga para ma-enjoy ko ang buhay showbiz, yung work mismo.”

Tinanong naman namin si Luis kung bakit nga ba sa halos kalahating taon na rin, wala pa siyang kontrata. Wala bang offer sa kanya na mag-renew?

“Sana meron na. Sana nga, sana… kasi, birthday gift na rin sa akin.

“February 7 ang birthday ko. Then, February 6 naman ang airing ng Broken Vow.”

Si Noel Ferrer ang tumatayong manager ni Luis. Sa mga kapatid niya kay Noel, mas maraming naka-kontrata sa TV5.

Kaya tinanong namin si Luis kung wala bang offer sa kanya na lumipat ng network?

Sabi naman ni Luis, “Guest lang. Gusto niya sana akong mag-guest do’n [sa TV5]. Pero… parang respeto na sa GMA kasi, I came from Iglot na primetime, Beauty Queen na primetime.”

Paano kung isang “big fat talent fee” ang ialok sa kanya ng ibang network, iiral pa rin kaya sa kanya ang loyalty?

Nakangiting saad naman niya, “Si Noel siguro ang dapat sumagot niyan kasi, ako, talent lang naman.”

Sabay birong-tanong niya, “Magkano ba ang big, fat talent fee?”

Pero dagdag din niya, “Well, dati nga, medyo nagka-clash kami ni Arnold [Vegafria, ang dati niyang manager].

“Honest naman ako palagi kapag tinatanong ako. Medyo nagka-clash kami before.

“May mga movie offers na sabihin na nating kahit malaki, ‘pag tingin ko, hindi okay sa akin, tinatanggihan ko,” ani Luis.

“Parang sinabihan ako rati na namimili ako. Which is true naman.

“As an actor, yun ang responsibility ko to myself and to the viewers na hindi naman lahat puwede kong tanggapin at parang maging money player lang ako.

“Kasi, mawawala ang love ko for acting.

“Minsan naman, makukuha mo rin sa raket ang mga pera-pera. Pero yung love for acting, iba, e.” — Rose Garcia, PEP

News Source: GMA NEWS TV

Very proud daw si Jean Garcia sa anak niyang si Jennica Garcia.

“Actually, dahil ano… siyempre malaki na rin si Jennica and experienced na rin siya.

“So I’m very, very proud of her kasi parang hindi na siya bata.

“Yung sa kanya, yung pagiging isip-bata niya, siguro mga ways lang niya…

“Yung mga harut-harot niya, doon lumalabas yung pagiging bata.

“Pero yung sa mga desisyon, kunwari sa love, sa pinansiyal, sa buhay niya, ano naman, maayos. Maayos si Jennica.

“Nakikita ninyo naman, di ba? Maayos yung bata, even sa work niya,” sunud-sunod na pahayag ni Jean.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang seasoned actress sa presscon ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis noong Martes, January 31, sa Studio 7 ng Kapuso Network.

Kumusta naman si Jennica?

“Oo, happy siya. Happy siya.”

ALWYN UYTINGCO. Malugod na tinatanggap na raw ni Jean ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco sa kanilang tahanan.

“Oo naman, oo naman. Dumaan lang siguro kami sa [proseso].

“Siguro lahat naman ng mga magulang, hindi ba, ‘pag may manliligaw ang anak, especially kung babae ang anak mo, normal naman yun.

“Ibigay na natin yun sa mga magulang, hindi ba?

“Na kumbaga parang, ‘O, teka muna, maayos ba itong taong ito or ano?’

“Siyempre may mga ganung factors.

“But alam mo, at the end of the day, nakita ko at nang makilala ko si Alwyn, napakabait na bata.

“Napakabait na bata at maayos. Maayos na lalaki at maalaga. Maalaga siya sa anak ko.

“So I’m very happy that they’re together now. And… very happy, very happy.”

USAPANG KASALAN. Ibig bang sabihin, botong-boto na siya kay Alwyn para kay Jennica, para maging asawa ng kanyang anak?

“Boto ako! Yung botong-boto… parang papakasal na ‘yan, e!” natatawang pagpansin ni Jean.

“Hindi, boto lang muna! Boyfriend-girlfriend muna!” ang tumatawang sinabi ni Jean.

Paano kung biglang magpaalam ang dalawa na magpapakasal na?

“Aba’y depende kung sa kaya na nila, hindi ba?”

Sa tingin ba niya kaya nang lumagay sa tahimik ng anak at ni Alwyn?

“Hindi pa kaya,” sagot ni Jean.

“Hindi pa kaya dahil hindi pa kaya ng nanay na mawala ang anak niyang panganay!

“So, hindi pa kaya ni Jennica. Hindi ko pa carry, hindi ko pa carry.

“Huwag muna, bata pa sila, marami pa silang dapat i-enjoy.

“At dahil si Alwyn din naman maganda din ang career at marami ring trabaho, si Jennica ganun din sa GMA-7.

“So trabaho, tapos, you know, enjoy nila ang kanilang kabataan.”

Hindi raw siya nagkukulang sa pagbibigay ng payo kay Jennica.

“Oo naman at saka maski si Alwyn kinakausap ko siya.”

May naibigay na ba siyang advice kay Alwyn o tinakot niya ang binata?

“Ang pangit naman ng pananakot!

“Kontrabida lang naman ako sa telebisyon at sa pelikula, mabait ako sa totoong buhay.

“Wala namang pananakot. Ang sabi ko lang sa kanya, ‘Alam ninyo na ang tama at mali, di ba?’

“Sabi ko lang, huwag niyang paiiyakin ang anak ko kasi pag pinaiyak niya ang anak ko, lagot siya sa akin.

“Ganun ka-sweet, ‘Lagot ka sa akinnn ‘pag pinaiyak mo anak kooo….’” natatawang pag-ulit niya sa kanyang tinuran.

PREGNANCY ISSUE? Nagsalita rin si Jean tungkol sa balitang buntis daw si Jennica.

Aniya, “Hindi ako nag-alala at hindi ako naniwala.

“Kilala ko kasi ang anak ko, e. I really trust her.

“And siguro naman sa mga pinagdaanan ko sa buhay ay alam naman siguro niya kung ano ang tama at mali.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Honey, kumbaga, ito yung mga na-experience ko.

“‘Kung may mga palpak man o may mga negative man diyan, tumayo ako kasi nandiyan ka, di ba?

“‘Maaga kang nandiyan na anak ko, di ba?

“‘So, ikaw yung inspirasyon ko and everything.

“‘So, ikaw, yung mga na-experience kong ganun, huwag mong lagyan ang buhay mo ng ganun.

“‘Yung sa akin destiny ko yun, e, di ba? Ikaw iba yung destiny mo.

“‘So sana, natuto ka sa lahat ng mga mistakes na nangyari sa akin.’

“Pero sabi ko nga sa kanya, kailangan din niyang matuto, e.

“Kaya hindi ko rin masyado nirerendahan dahil alam naman niya kung ano ang tama for her at makakasama for her.

“Kasi yung maliliit na mga bagay na mistakes, pagbibigyan natin ‘yan kasi kailangan niyang ma-experience talaga.”

DATING? Si Jennica ba ay boto naman sa mga nakaka-date ng inang si Jean?

“Naku, yung anak ko nga pinu-push pa ako!” tawa ni Jean.

“Kunyari nagtrabaho ako, ‘tapos meron ako kunyari dalawang free days…

“Siya pa yung nagpu-push sa akin na, ‘Ma, lumabas ka naman, ano ka ba naman? Lumabas ka.’”

Pero ayon sa magaling na aktres, matagal na siyang hindi nakikipag-date.

“Parang matagal na rin, parang before pa ng holiday season,” nangingiti niyang pahayag.

MANGGAGAWAY. Sa kanilang bagong serye na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, “manggagaway” ang role ni Jean o diyosa ng mga sakit.

Sa tunay na buhay ba, kung may kapangyarihan siyang itim, may nais ba siyang paggamitan nito?

“Wala naman, I’m a lover! I’m not a fighter. I’m a lover,” sabi niya.

Sa isang interbyu kay Cherie Gil, sinabi ng aktres na “nami-miss” na niya si Jean.

Nagkasama ang dalawa sa Time Of My Life at naintriga pa noon na nagtarayan sila sa set.

Ayon naman kay Jean, “Miss ko na rin siya!

“Alam mo ba ang tawag niya sa akin? Frienemy!

“Oo, kasi ako kumbaga friend niya ako, pero enemy niya ako sa teleserye. kaya frienemy, di ba?” — Rommel Gonzales, PEP

News Source: GMA NEWS TV

Ang American Idol finalist na si Adam Lambert ang bagong lead vocalist ang sikat na bandang “Queen”, ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado.

Pinalitan ni Lambert sa puwesto si Paul Rodgers, na unang napabalitang kumalas sa grupo noong 2009. Mula noon ay naghanap na umano ng bagong vocalist ang banda.

An orihinal na vocalista ng banda na si Freddie Mercury ay pumanaw noong November 1991 dahil sa karamdaman.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng bandang ‘Queen’ na kasama si Mercury ay ang “We Are the Champions” at “Bohemian Rhapsody”. — FRJ, GMA News

News Source: GMA NEWS TV

LOS ANGELES – Daniel Radcliffe admitted he was drunk while filming some scenes for the “Harry Potter” movies during a period in his life where he was drinking “nightly,” the young star said in an interview.

“I have a very addictive personality. It was a problem. People with problems like that are very adept at hiding it. It was bad. I don’t want to go into details, but I drank a lot and it was daily – I mean nightly,” Radcliffe said to British celebrity news magazine Heat earlier this week.

“I can honestly say I never drank at work on ‘Harry Potter.’ I went into work still drunk, but I never drank at work. I can point to many scenes where I’m just gone. Dead behind the eyes,” the 22-year-old actor said.

The young British star, who was propelled to fame at 11-years-old after being cast to play boy wizard Harry Potter in the movies based on J.K. Rowling’s best-selling novels, discussed his “very busy personality” and also talked about his production-assistant girlfriend, who he said was “a wonderful, wonderful girl, who’s far too good for me.”

“I can also be quite insecure. A lot of actors have self-doubt. I live under that the whole time, and it’s how I function best. I think she puts up with a lot; she says she doesn’t,” said Radcliffe.

The “Harry Potter” star, who has received critical praise for his theater work in the Broadway and West End productions “Equus” and “How to Succeed in Business Without Really Trying,”

is currently on the promotional rounds for his film, “The Woman in Black,” out in U.S. theaters on Friday. – Reuters

News Source: GMA NEWS TV

Twitter Updates

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.